Tuesday, May 3, 2011

Start of Summer

Ang init ng panahon, mukhang hindi ako nagising ng araw na ito ng dahil sa alarm clock ng cellphone ko (madalas naman kasi akong nauunang magising kesa sa alarm eh kapag maaga). Nagising ako sa init ng hinihigaan ko, maybe because of the season narin naman kasi "Summer na!". Ganun parin nangyari sa umaga ko, bumangon, nagdilig ng halaman, nag-exercise, kumain ng almusal. May nakalimutan pala ako, magmumumog ako pagkabangon ko kaya dali-dali kong pumunta sa lababo para uminom ng tubig sa gripo (malinis naman iyong tubig sa amin galing sa gripo). Nakainom na ko, mga limang lagok na ng tubig tapos may nagsabi, "Madumi yang tubig, bakit mo ininom?". Aba ang aga-aga madumi na kagad ang tubig? Paano ako maliligo? Check ko yung tubig ang itim, parang tinamaan ng 1st plague of Egypt, itim nga lang, teka, anong susunod dito mga palaka? Yak! Pero ok lang un nakainom naman ako kaya ok lang, galing lang din naman sa gripo yan eh. Naghanap ako ng tela para masala yung maruming tbig sa gripo. Wa epek! takte male-late ako sa work kakasala lang dito ah. Maya-maya sa asar ko hinayaan kong nakabukas nalang, ayun naawa ang mga palaka (blap) nawala yung maruming tubig, makakaligo narin ako.

Ang bango ko naman, iba talaga kapag nakaligo ka, presko! (yung kasama namin sa bahay naghilamos nalang bago pumasok ahahaha hindi na naligo!). Abang-abang sa jeepney, pihikan ako gusto kong sumakay sa triangle ang gulong (joke), sakay agad kung meron  baka malate pa eh. Nasa kalagitnaan na ko papuntang work may sumakay yung dati kong classmate noong Elementary, as usual kilala pa pala ako, mukhang asensado na, nakastockings daw eh, black nga lang, terno daw sa uniform nya, may work nadin pala sya, alang pinagbago yung girl na ito, hahaha, syempre hindi mo kilala kaya ako lang ang tumawa, bakit kasi binasa mo yung hahahaha, ang kulit binasa pa ulit, hahaha. Makababa na nga ng sasakyan.
Kanina pa ako dito sa loob ng office nilalamig nako, nakakatamad, mag-init sana ang ulo ko para wala nang talab yung aircon. After an hour, bored padin pero may gala na naman daw, hindi ko alam kung saan basta sama nalang ako, baka may mirienda ulit. Nakarating kami mga 7 km yung layo, binaba lang yung ladder na dala tapos alis ulit, iba na naman destination, mukhang mas malayo. Magsusukat pala ng computer room, malayo pa kaya idlip muna. On our way, ganito yung music sa loob:


ANTUKIN
By: Rico Blanco



Iniwan ka na ng eroplano
Ok lang baby
Wag kang magbago
Dito ka lang
Humimbing
Sa aking piling
Antukin
Kukupkupin nalang kita
Sorry wala ka nang magagawa
Mahalin mo nalang ako
Ng sobra sobra
Para patas naman tayo
Diba?
chorus:
Sasalubungin natin ang kinabukasan
Ng walang takot at walang pangamba
Tadhana’y merong tip na makapangyarihan
Kung ayaw may dahilan
Kung gusto palaging merong paraan
Pinaiyak ka ng manghuhula
Hindi na raw tayo magkasamang tatanda
Buti nalang
Merong langit na nagtatanggol sa
Pag ibig na pursigido’t matyaga
bridge:
Long as we stand as one
Ano man ang ating makabangga
Nothing will ever break us
Wala talaga
As in wala
coda:
Hahalikan nalang natin ang kinabukasan
Ng buong loob at yayakapin pa
Tadhana’y medyo overrated kung minsan
Kung ayaw may dahilan
Kung gusto palaging merong paraan
Gumawa nalang tayo ng paraan
Gumawa nalang tayo ng…
Baby, gumawa nalang tayo ng paraan
Ayan lang yung natandaan kong kanta eh. Andito na kami, sukat saglit, drawing ng floor plan, tapos, batsi na agad. Oo nga pala, babalikan muna yung ladder baka bumalik office. Sakto magla-lunch na anu kayang ulam? Chapsoy! ahaha naalala ko yung kanta ng Parokya ni Edgar at kamikazee: Hoy! wala na bang ma oh! haha. Hindi mo alam? hanapin mo nalang katamad mag-paste eh. Katatapos lang ng lunch balik sa pagtingala at tumutok sa TV. "I do, I die, Diyos Ko Day!" ang show. Comedy ha, masakit na nga tiyan ko sa busog baka sumakit pa tiyan ko sa kakatawa hahaha.
Nakatulog ako ng almost 2 hours! takte anjan pa si Boss ai, buti hindi nahalata, tapos na yung pinapalabas eh, haha. Pagkagising ko may merienda na agad, yummy spaghetti ahaha. Buuuuuuuuurrrrrrrppppp!! sumabog yung carbon content sa tiyan ko galing sa softdrink, bigat sa tiyan. Uwian na.
Kaharap na naman sa desktop, takatak takatak, ingay ng keyboard parang typewriter yung nakakabit sa monitor ah. Matatapos na naman ito, may namimiss ako. . .si girlfriend lalo na si Mama ko. Kamusta na kaya siya? Lord sana successful yung another operation.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...