Sunday, May 15, 2011

February 27, 2011, Sunday



            3:16 AM. Mainit ang pakiramdam ko ng gabing iyon. Parang nagaapoy pero walang lagnat. Masikip ang dibdib pero walang nakabara o nakadagan. Ginising ako ni Mama, “Gumising ka. . .nanaginip ka. . .hindi ko maintindihan sinasabi mo. . .binabangungot ka”. Hindi ko maintindihan kung bakit isang bangungot ang panaginip na iyon. Pero natatakot ako sa susunod na mangyayari kung nagpatuloy pa ang pangyayaring iyon sa aking panaginip.
            
            Gabi na sa labas kaya’t nasa loob kami nila Mama. Bukas ang ilaw sa may sala. Maayos ang lahat ng biglang may ingay na nagmumula sa bubong, “Anak ng! May gusto atang sumira sa bubong ah!”. Lumabas ako at tiningnan. Si Carlo tumatakbo sa bubong. . .hindi, nagdadabog sya sa bubong parang galit. May parang malaking ibon na nakakapit sa kanya mula sa balikat. Hindi ko na tiningnan kung ano yon, basta nakaktakot at kulay itim kaya si Carlo lang ang naaninag ko. Sinigawan ko pero hindi tumigil. Bumalik ako sa loob at ayan na naman sya. Mas malalakas pang dabog at mas mabili. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano bumabakat sa bubong mula sa sala ang mga paa ng galit kong kapatid. Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa iyon, wala akong pakialam ng mga oras na iyon. Nakakatok ang pagdadabog nya sa bubong. Naglalakad. Mabilis. Mabigat ang mga paa. Lumabas ako sa huling pagkakataon. Sinigawan ko sya. Bumaba sya sa bubong nang hindi dumadaan sa akyatan. Tumalon siya diretso sa harap namin. Pagharap nya sa amin, tulog sya. Nakayuko. Wala na yung ibon sa kanyang mga balikat. Naisip ko nag-sleepwalk lang siguro pero nung tanungin namin. . .tumingin sya sakin na animoy galit na galit. .nangninisik ang mga mata. At biglang ngumiti. Hindi ko alam ang pakiramdam ko. Nakakatakot. Manhid, hindi makapagsalita, hindi makatakbo.
            
           Hindi gaanong nakamulat ang mga mata ko nang ako ay magising sa bangungot na iyon. Mula sa aking hinihigaan, may naaninag akong kulay puti na nasa korte ng isang babae. Kinabahan ako kahit hindi pa tuluyang nakadilat ang mga mata ko. Hindi gumagalaw ang nakaputi. Lumapit sya bigla sa akin. Dahan-dahan. Hawak na nya ang leeg ko. Ayoko syang tingnan, pero kahit nakapikit na ang mga mata ko’y kitang-kita ko parin sya. Gusto kong sumigaw. Walang nakakarinig kahit katabi ko na ang kapatid ko sa kama. Sinasakal na nya ako. Hindi na ako makahinga.

            Pagmulat ko ng mga mata ko ay ginigising na pala ko ni Mama. Binabangungot ako ang sabi nya. Hingal na hingal at hindi makahinga. Masikip ang dibdib ko. Hindi ko alam pero parang binangungot ako ng dalawang beses. Bangungot sa isa pang bangungot. Parang patuloy kang pinapatay. Nakakatakot. Hindi na kaya ng mga mata kong pumikit uli. Hindi na ako nakatulog. Maghihintay nalang ako ng umaga.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...