Monday, May 2, 2011

First Monday

Mula sa pagbangon at paghigop ng kape, sa paghaplos ng sabon hanggang sa pagpunas ng tuwalya, sa pagabot ng pamasahe hanggang sa pagpasok sa pintuan ng trabaho. Nakatunganga, nakatingala sa harap ng TV, basketball na naman ang boring, panalo Heat versus Celtics. Buong araw nakatanga sa tv, buti nalang wala si manang(kusinera) walang lunch, kaya bili nalang sa Bubuyog(kay Jollibee). Sarap ng lunch kahit papano, pero namiss ko din yung luto ni Manang ah. Natapos na ung lunch balik na naman sa trono ng katamaran, as usual wala padin kaming ginagawa. Teka trabaho ba 'tong pinasok ko? Ang pogi naman, sarap sa buhay. Sige na nga, palubog na yung araw out nako kahit wala pa sa time. Mula sa pagabot ng pamasahe nakarating ako sa harap ng computer. Ang bilis ano? 'wag kana magtaka isipin mo nalang ung byahe.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...