Nag-aabang ako ng jeep papasok ng opisina. Umaga iyon mga 7:45 am. Nakatayo sa kanto, tingin ng mga sasakyan kaliwa’t kanan, wala naman, sabay tawid sa kabilang kanto kung saan naroon si waiting shed. Antay-antay ng konte sa jeep, nakakainip at nakakauhaw sa init kahit bagong ligo ko lang at presko. Mga ilang minuto pa ang lumipas ayan na ang sasakyan kong jeep. Ang daming tao, siksikan na naman. Siyempre pinili ko na yung pwestong maluwang-luwang. Sa gitna ako pumwesto para hindi gaanong malayo sa exit at sa driver. Sakto lang kung baga. Kapit konte at lalarga na si jeep.
Hindi pa ako bumubunot ng pamasahe, maya-maya pa siguro dahil naaaliw ako sa mga tanawin sa labas. Ang ganda talaga sa lugar naming kahit papaano. Nakakalingon pa ako sa bintana dahil medyo maluwag ang puwesto ko. Maya-maya ay huminto ang jeep. Alam kong may pasahero dahil naaninag ko na malayo pa. Halos karamihan naman ata sa mga pasahero habang nasa biyahe nakatingin sa dinadaanan ng sasakyan, siguro maikling porsyento lang. Mukhang maiipit na ako nito ah. Mapupuno na ang jeep. Larga na ulit ng makarami.
Nalibang yata ako sa paglingon ko sa bintana hindi na ako naka abot ng pamasahe ko. Sabi na nga ba masikip na eh, hindi na ako makabunot ng pamasahe sa bulsa ko. Napansin ko lang sa ibang pasahero hindi agad nagbabayad ng pamasahe, nalibang lang ako kakatingin sa bintana pero hindi ko ugali magpahuli ng bayad yung iba lang naman. Yung iba sinasabay sa ibang nagbabayad pero huli na din naman sya sa pagbabayad. Anyway, wala namang oras sa pagbabayad, wala akong sinabi. Heto pa siguro, yung ibang pasahero nagpapahuli ng bayad kasi baka sumakay bigla at makasabay nila si kumare at kumpare, ninong at ninang, at ayun para malibre kuno. Style nga naman ng pinoy, hindi pwede sa taxi yan oi. Inabot ko na yung pamasahe ko. P100 yung binigay ko sa driver kahit P11 lang yung pamasahe. Umaandar padin ang jeep.
Tahimik sa loob ng jeepney, mukhang seryoso mga tao. Siguro puyat at pagod lang sila dahil halos lahat ng nasa loob ng jeep ay mga workers din katulad ko, different professions nga lang, kaya yung iba nagkikipag-usap sa mga kakilala. Yung iba kamustahan lang din, meron din nag-uusap ng mga current issues pero madalng na mangyari ito, wala naman pakialam mga workers na pasahero sa current issues buti pa kung tungkol sa wage hike yan nagparty-party na mga yan. Minsan pa nga nagseselos din yung ibang driver, gusto din may kausap sila, basta kumpare nila naku parang may sabong sa loob ng jeep. Pero kapag kinuyog ka naman ng mga party people na pasahero na parang inarkila na nila yung jeep. Siksikan ang tropa, ang ingay for sure, lalo na pag gays, mao-OP ka talaga sa kanila. Medyo bumibilis na pagmamaneho ni Manong driver ah, kapit muna sa metal bar.
Maya-maya huminto na naman ang jeep, may pasahero again. Pagsakay ng pasahero larga kaagad, pero nakita ko nakatitig si Manong driver sa kasasakay na pasahero. Nagbayad yung kasasakay na pasahero, pero hindi tinanggap yung bayad. Kaya pala magkamag-anak ang loko, libre na daw pagganun. Naku kung alam ko lang ilang oras na nagaabang tong pasaherong ito, ilang jeep na lumagpas sa kanya pero hindi sumakay at desperadang inintay ang sasakyan ng kanyang kamag-anak para lang makalibre. Nakakatawa ang desperada, ako din malaki ang pangangailangan, need ko din magtipid. May kakilala ako, kasama ko sa work ko, ganyan ang gawain. Mag-aabang kahit isang oras para lang makalibre. Teka lang, malapit na akong bumaba. Wala pa din yung sukli ko. Busy daw kunwari si Manong driver.
Huminto saglit yung jeep para magbaba ng pasahero. Nabawasan ang tao sa loob. Sinubukan kong sabihin, “Yung sukli po ng wan-han-dred!”. Pero hindi ata suot ni Manong driver ang kanyang hearing aid. Dedma ang loko at binirit pa kunwari ang jeep. Konte nalang malapit na akong bumaba ng sasakyan, dedma padin si Manong. Naiinis na ako sa driver, nakatingin na sa yung ibang pasahero sakin, siguro iniisip nila na bingi din sa Manong driver? Baka naman tinatawanan ako sa isip-isip nga mga pasaherong ito? Baka kasabwat sila ni Manong driver at hati-hati daw sila sa sukli ko na ayaw ibigay? 30 meters. . .20 meters. . .10. . .9. . .8. . .5. . .3. . .”SA TABI LANG PO!”, ang lakas ng pagkakabigkas ko dun ha, siguro naman tagos sa hearing aid ni Manong driver yun. Late nako sa work, lagot na ako nito. Hindi pa ako bumaba at sumigaw ulit, “YUNG SUKLI PO NG WAN-HAN-DRED!!!!”, nakakainis pero parang binasag na ng tuluyan ng sigaw ko yung eardrum ni Manong. Natawa ako sa isip-isp ko dahil nakita ko si Manong dali-dali nagbilang ng sukli at inabot sa akin. Late na talaga ako kaya talon kaagad sa pesteng jeep na yon. Bumirit agad yung jeep, may pagkainis din ata sakin. Habang tumatakbo binilang ko yung sukli. Isang bente. . .isang bente. . .at isa pang bente. May barya, binilang ko din. Isang buong sampo. . .limang piso. . .piso. . .piso. . .piso. . .at isa pang piso. Napahinto ako at naiinis. Late nako, nilagay ko na sa bulsa ang (P100 – P11) = P79.
No comments:
Post a Comment